sa-isang bumabalik iba’t ibang karanasan Mga tinig sa malayo siyang nauulinigan Umiiyak, sumasamo at may nangagtatawanan.
Huwag po kayong umalis, umiiyak sa pagsamo Mga batang kapit-kapit at sa wari’y nalilito; Mga batang masasaya, roon sa kabilang dako Iba nama’y natatakot parang nakakita ng multo.
Alaala ng mag-aaral di maalis sa gunita Masasaya, malulungkot, may kaakibat na kaba “Pag alis ko at nabigo, ako kaya’y babalik pa Pagbalik kong isang bigo, ako kaya’y kilala pa?”
Pinagpilitang iwaksi nagsul****ng pangitain Nagsimula sa pagsinop di natapos na gawain Ang aralin sa pagtula ay kailangan nang tapusin Kaya’t siya’y nagsimula nag-isip na nang malalim..
Paano nga ba magsulat ng tula ang isang guro Kung ang bawat taludturan kasanib ang kanyang puso Bawat pagbilang ng pantig nagtatakda ng numero Bawat tugma ay paalam na sa puso’y dumuduro.
Tuwing araw ng pagtatapos, araw ng pagpapaalam Bawat tuldok tila usok na sa mata’y sumisilam Bawat tanong na bigkasin tila isang alingawngaw “Anong buti’ng nagawa mo, ikaw ba’y nagsilbing tanglaw?”
Paano nga ba magsulat ng tula ang isang guro Kung ang bawat talinghaga, di mawari, di makuro Paano nga ba nanamnamin kagandahang itinuro Gayong hindi napalimbag sa kahit na anong libro.
Paano nga ba magsulat ng tula ang isang guro Pagmamahal, pang-unawa sa puso ay nakatimo Walang gabi, walang araw, walang malapit o malayo Bawat isa’y may halaga, walang marunong, walang dungo.